Tuesday, May 10, 2011

LIGAW

Kung ika'y bugnutin, huwag mo akong akitin
Ang nais ko'y saya hinde ang 'yong yaya
Tayo'y magliwaliw nang tayo'y maaliw
Tumakas sa mundong magulo, baka masira ating ulo

Sa bawat hakbang, may kasiyahang nagaabang
Sa ating palasyo tanging nakikita'y payaso
Tayo'y sumayaw hangga't paa nati'y umayaw
Iwan ang lungkot dahil dito walang puwang ang takot

Dahil sa lugar ng mga amo, tao'y nagsusumamo
Ating bantay na guwardiya, tingnan mo't panay buwaya
Mundong puno ng luha, sana'y ngiti iyong makuha
Para sa aming pagbabalik, nagaabang matamis na halik

No comments:

Post a Comment