Tuesday, December 13, 2005

KALAYAAN NAKAKADENA KA PA RIN?

Lagpas isang daang taon na tayong malaya sa kamay ng mga Kastila. Lagpas limampung taon ng umalis ang imperyalismo ng mga Amerikano sa ating bansa. Halos dalawampung taon na din ang lumipas ng lumaya tayo sa batas militar. Ilang beses na nga ba tayong napalaya sa kamay na pilit humahawak sa atin? Kahit ilang beses natin sabihin na malaya na tayo ay totoo nga bang namithi na natin ang kalayaan? Hinde kaya nagkukubli ang makabagong pananakop na nagaganap sa atin? Pananakop na umaapekto sa bawat isa sa atin. Pananakop na hindi natin nakikita na unti-unting sumasakop sa ating mentalidad, walang palag nating hinahayaang lumupig sa ating pagkatao. Kasakiman na hinahayaan nating bumalot sa bawat isa sa atin. Napakadali nga namang maging bulag sa tunay na nagyayari sa atin. Bakit nga ba ako mag-aaksaya ng oras upang bigyan halaga ang ibang tao? Ito na nga siguro ang makabagong pananakop na lumalaganap sa ating kapaligiran.

Monday, November 28, 2005

AKO!?

Pagpasensyahun kung medyo gago
Sadyang ganito at hinde ito bago
Madalas napagkakamalang baliw
Kaya hayaan na lang magbigay ng aliw

Kapag nagsalita daw ay bulol
Kaya ang sabi ko sa kanila'y ulol
Kuminsan makikitang nakaupo't nakatunganga
Kapag nag-unat ay bukas ang bunganga

Mataba daw ang utak, puno ng kalokohan
Sadyang ganyan talaga ang katotohanan
Masayang manggulo sa mundong tulala
Kasabay ng tawanang abot hanggang tala

Hinde naman kalakasan uminom ng alak
Ngunit kapag napasarap, umuwi'y walang balak
Pasuray-suray naglalakad sa lansangan
Kaya pag-uwi ay tulog sa hagdanan

Isang misteryo daw na matagal ng hinde masagot
Ngunit ang katotohan ay isang taong nakakabagot

Wednesday, November 16, 2005

CADAVEROUS BLOOM

Bloody red rose blooming in the midst of a wasteland. Lost in words for its intimate beauty. Towering over this wasteland, it exudes its beauty as the sun rises at dawn. Its color never falters as blood nourishes it. Minerals from bones make it sturdy and strong. Decaying flesh feeds its spirit as it blooms into maturity. This secret the rose keeps as it assumes its crown as the most beautiful organism in this barren land. What beauty blooms from death and decay?

Saturday, November 5, 2005

PAYASO

Nilason ang isip upang makapagkunwaring ayos ang lahat. Ngiting nagtatago ng pighati ang ipinakita upang mapagtakpan ang kaloobang gustong magparamdam ng kalungkutan. Aliw ang alay habang kalooban ay gustong umiyak. Nagbibigay ng ngiti sa mga labi ng taong nangangailangan ngunit hindi mabigyan lunas ang agos ng nararamdaman. Inaagos ngunit walang nakakapansin, hinde mo pa rin ba naririnig ang taong sumisigaw ang kalooban at nagsasabing "pansinin nyo ako at tulungan?"

Sunday, October 30, 2005

HIBANG NA PAG-IISIP

Pinilit magkunwaring lumilipad kaya sumemplang at bumagsak. Nagpasilaw sa kinang kaya nagpumilit gumawa ng para sa kanya. Habang nagpupumilit ay lalong dumidilim, kinakain ng kahibangang bumabalot sa pagkatao. Umere ka pa, sige pa, ipagmalaki ang huwad na katotohanan. Isipin na sobrang tayog ng lipad ngunit ang katotohanan ay nakasayad ang mga paa at unti-unting lumulubog sa putik.

Monday, September 19, 2005

LOVE what?

Please look at me not - I'm not a work of art
Please smile for me not - I'm miserable as you can see
Please cry for me not - Your tears are irreplaceable
Please love me not - I'm not worth your precious love

Friday, September 9, 2005

BACK FROM THE DEAD

I have walked the path of self-destruction and completely lost grasp of my life. A person void and empty inside, nothing left but a shell of misery. Now, only a shade of what was remains. I have let go of the anger that consumes me. A new light shines as I welcome new hope. Light of day has never shined this bright. Battered and broken I rebuild myself. Back from the dead I stand.

Monday, July 18, 2005

MGA MATANG MULAT

Sa una lang yan masarap. Habang tumatagal ay hinde mo na alam kung bakit mo pa ginagawa yan. Nawawala na ang sarap at unti-unti ka ng binabalutan ng dilim. Sa una sinabi mo "kaya kong i-kontrol yan" ngunit habang tumatagal at dumadalas ay ikaw na ang unti-unting kinokontrol. Unti-unti mong nabibitiwan ang hawak mo sa iyong buhay. Unti-unting nawawala ang mga bagay na kung noon sa iyo ay pinahahalagahan mo. Unti-unting nagiging dyahe ang pananaw mo sa buhay. Unti-unti kang nahuhulog sa kawalan. Ngayon mo sabihin sa sarili mo na kontrolado ko pa ang buhay ko. Ngayon mo sabihin na masarap ang ganito. Dadating sa punto ng buhay mo na gusto mo ng magbago. Ngunit ang tanong ay kaya mo pa ba? Kaya mo pa bang umahon sa putik na iyong pinaglugmukan? ano? kaya pa?

Gustuhin mong magbabago hinde dahil sa iba... Magbago ka dahil gusto mo iyan sa sarili mo at hinde dahil sa ibang mga kadahilanan. Hawakan ulit ang buhay. Mag-isip ka muli para sa sarili mo. Umapak ulit sa liwanag at lasapin ang sarap ng buhay.

Kaya mo yan.