Nakasimangot ka nanaman
Kinagagalit mo nama'y walang laman
Wala pa nga akong ginagawa
Kaya pahingi naman ng konting awa
Ayus lang kahit 'wag kang magbago
Gumagaling na naman akong magtago
'Wag lang masilip sa ilalim ng mesa
Dun ako'y nakadapang parang pusa
Alam ko naman ika'y medyo bugnutin
At aking pasensya'y kuminsan nabibitin
Problema'y pwede nating pagusapan
Sa kadahilanang ako'y takot sa sapakan
Ating pagtitinginan ay hinde magbabago
Kaya tayo'y magmahalan na lang ng todo todo