Pagpasensyahun kung medyo gago
Sadyang ganito at hinde ito bago
Madalas napagkakamalang baliw
Kaya hayaan na lang magbigay ng aliw
Kapag nagsalita daw ay bulol
Kaya ang sabi ko sa kanila'y ulol
Kuminsan makikitang nakaupo't nakatunganga
Kapag nag-unat ay bukas ang bunganga
Mataba daw ang utak, puno ng kalokohan
Sadyang ganyan talaga ang katotohanan
Masayang manggulo sa mundong tulala
Kasabay ng tawanang abot hanggang tala
Hinde naman kalakasan uminom ng alak
Ngunit kapag napasarap, umuwi'y walang balak
Pasuray-suray naglalakad sa lansangan
Kaya pag-uwi ay tulog sa hagdanan
Isang misteryo daw na matagal ng hinde masagot
Ngunit ang katotohan ay isang taong nakakabagot
Monday, November 28, 2005
Wednesday, November 16, 2005
CADAVEROUS BLOOM
Bloody red rose blooming in the midst of a wasteland. Lost in words for its intimate beauty. Towering over this wasteland, it exudes its beauty as the sun rises at dawn. Its color never falters as blood nourishes it. Minerals from bones make it sturdy and strong. Decaying flesh feeds its spirit as it blooms into maturity. This secret the rose keeps as it assumes its crown as the most beautiful organism in this barren land. What beauty blooms from death and decay?
Saturday, November 5, 2005
PAYASO
Nilason ang isip upang makapagkunwaring ayos ang lahat. Ngiting nagtatago ng pighati ang ipinakita upang mapagtakpan ang kaloobang gustong magparamdam ng kalungkutan. Aliw ang alay habang kalooban ay gustong umiyak. Nagbibigay ng ngiti sa mga labi ng taong nangangailangan ngunit hindi mabigyan lunas ang agos ng nararamdaman. Inaagos ngunit walang nakakapansin, hinde mo pa rin ba naririnig ang taong sumisigaw ang kalooban at nagsasabing "pansinin nyo ako at tulungan?"
Subscribe to:
Posts (Atom)