Wednesday, February 15, 2006

FILLER

Say goodbye to vanity and ambiance
Strip down all the complications that surrounds us
Bare naked with heart and emotions left
All that can be seen is true beauty within

Monday, February 6, 2006

GALIT SA MUNDO

Matagal nawala. Nagsuot sa kung saan na lungga at nde nagpakita. Gumawa ng sariling mundo na ang tao ay tanging ikaw. Hanggang kelan mo balak magtago? Wala ka bang balak harapin ang mundong iniwan? Tanging kapiling ay bote ng alak, upos ng sigarilyo, at bato na pagulung-gulong na humahawak sa iyo'ng utak. Naramdaman mo na din siguro ang matulog at manalangin na sana sa pag-gising mo ay patay ka na. Dala nga ba ng paranoya na tumatak sa isip? Nasa tamang hinala ka pa rin ba? Isipin maigi dahil ito ang landas ng mga duwag. Nadapa, nalunod, at bumagsak - ayaw ng bumangon dahil sa takot. Takot na muling bumagsak at masugatan? Ganito ka ba kahina at kaduwag? Isiping maigi. Oo, duwag at mahina din ako ngunit ang pinagkaiba natin ay AKO ang noon, IKAW ang ngayon.