Tuesday, July 18, 2006

NAWAWALA

Mukhang walang maisip o maramdaman. Walang apoy ng damdamin. Nawawala ang galit na matagal ng kasama sa paglalakbay. Parang hubad at walang kadepedepensa. Saan nga ba nagpunta ang galit ko? Nawawala at gustong hanapin, pero nde muna ngayon - tinatamad pa ako eh.

Sunday, June 4, 2006

KAHAPON

Umaagos muli ang galit sa bawat ugat
Kinahon muli ang pusong basag
Naaamoy muli ang bango ng bawat sigarilyo
Natitikman muli ang tamis ng alkohol

Ito ang mga bagay na pilit kinalimutan
Ito ang mga bagay na nagpatakbo ng buhay ko
Ito ang mga bagay na kay sarap muling maramdaman
Na-miss ko ito at ngayon pilit binabalikan

Friday, March 24, 2006

PANGAHAS

Ayokong mabuhay sa loob ng isang kahon na puno ng limitasyon. Ayokong sumunod sa agos ng lipunan na ang lahat ay nakiki-uso. Ayokong maging sunud-sunuran sa dikta ng mga taong nagkukunwaring tama. Ayokong maging isang taong walang sariling pag-iisip na sumusunod lang sa ihip ng hangin. May sarili akong pag-iisip, hinde ito radikal ngunit ito ang gusto ko. Walang makakapipigil at walang makakapagbago. Sumasablay at nagkakamali din, ngunit ito ang pinili ko - pakialam nyo ba?

Thursday, March 2, 2006

SADISTIC GLEE

Cut my veins open and pour out my pain
Let the souls of the past put me in agony
Cast the shadows of forbidding tragedy over me
Darkness my only surrender

Wednesday, February 15, 2006

FILLER

Say goodbye to vanity and ambiance
Strip down all the complications that surrounds us
Bare naked with heart and emotions left
All that can be seen is true beauty within

Monday, February 6, 2006

GALIT SA MUNDO

Matagal nawala. Nagsuot sa kung saan na lungga at nde nagpakita. Gumawa ng sariling mundo na ang tao ay tanging ikaw. Hanggang kelan mo balak magtago? Wala ka bang balak harapin ang mundong iniwan? Tanging kapiling ay bote ng alak, upos ng sigarilyo, at bato na pagulung-gulong na humahawak sa iyo'ng utak. Naramdaman mo na din siguro ang matulog at manalangin na sana sa pag-gising mo ay patay ka na. Dala nga ba ng paranoya na tumatak sa isip? Nasa tamang hinala ka pa rin ba? Isipin maigi dahil ito ang landas ng mga duwag. Nadapa, nalunod, at bumagsak - ayaw ng bumangon dahil sa takot. Takot na muling bumagsak at masugatan? Ganito ka ba kahina at kaduwag? Isiping maigi. Oo, duwag at mahina din ako ngunit ang pinagkaiba natin ay AKO ang noon, IKAW ang ngayon.

Thursday, January 26, 2006

FORGET TO REMEMBER

It must be your skin, it must be your hair
It must be your lips, it must be your eyes
It must be the arguments that we have
The smile that i can't hide when you're angry

It must have been the kisses or the hugs
It might be the senseless talks we had
The simple things that make me feel special and cared for
The smiles, smiles and more smiles when I look at your face

It must be the emotional roller coaster I feel when I'm with you
That makes me always forget to remember

Thursday, January 19, 2006

LUHA

Mga matang mala-anghel
Kumukutitap na parang perlas
Liwanag ng kaluluwa ang tanging makikita
Bawat tingin napapawi ang problema

Ngunit bakit ngayon wala ang kinang?
Napalitan ng malulungkot na tingin
Pighati at paghihirap ang nakikita
Bakit lumuluha ka nanaman?

Umaagos na parang ilog, hindi mapigilan
Matang lumuluha sana'y muling bumalik ang sigla
Walang magawa, nag-iisip na kung sana ako na lang
Sasaluhin lahat ng hirap at lumbay para sa iyo

Iiwasan na ikaw ay mapaluha at malungkot
Ibibigay ang buong sarili makita lang muli
Mga perlas na muling kumikinang
Mga matang bintana ng liwanag ng kaluluwa

Tumigil na ang agos, naubos na ba?
May dumating na pala para mawala ang lumbay
Bakit ba kailangan ang taong nagbibigay ng saya
Ang taong magpapaluha sa'yo?