Thursday, January 19, 2006

LUHA

Mga matang mala-anghel
Kumukutitap na parang perlas
Liwanag ng kaluluwa ang tanging makikita
Bawat tingin napapawi ang problema

Ngunit bakit ngayon wala ang kinang?
Napalitan ng malulungkot na tingin
Pighati at paghihirap ang nakikita
Bakit lumuluha ka nanaman?

Umaagos na parang ilog, hindi mapigilan
Matang lumuluha sana'y muling bumalik ang sigla
Walang magawa, nag-iisip na kung sana ako na lang
Sasaluhin lahat ng hirap at lumbay para sa iyo

Iiwasan na ikaw ay mapaluha at malungkot
Ibibigay ang buong sarili makita lang muli
Mga perlas na muling kumikinang
Mga matang bintana ng liwanag ng kaluluwa

Tumigil na ang agos, naubos na ba?
May dumating na pala para mawala ang lumbay
Bakit ba kailangan ang taong nagbibigay ng saya
Ang taong magpapaluha sa'yo?

No comments:

Post a Comment